Nakatakdang isagawa ang validation para sa pag claim ng fuel subsidy ng mga jeepney drivers at operators sa darating na Lunes May 26 hanggang 28 dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Bernard Tuliao, President, Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan, mismong hiniling nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sila na ang pumunta dito para sa pag proseso ng mga kaokolang requirements sa pag claim ng fuel subsidy.

Magsisimula ito mula ala 8 ng umaga hanggang ala 5 ng hapon sa Dagupan City National Highschool Alumni Building.

--Ads--

Nagkakahalaga ng P5,000 ang laman ng naturang fuel subsidy.

Para maka avail ng fuel subsidy, pinaala ni Tuliao na magdala ng mga kaokolang requirements gaya ng mga sumusunod: Updated ng official registration ng jeep, magdala ng valid government issued IDs, prangkisa at resolution na pirmado ng board of directors ng kanilang kooperatiba.

Inaasahan na makakatanggap ng fuel subsidy card ang lahat ng membro na nasa hanay ng transport group sa lalawigan.