DAGUPAN CITY- Sasabak din sa Palarong Pambansa 2025 ang pambato ng West Central Elementary School sa larangan ng Chess at Gymnast.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santillan, Principal IV ng nasabing paaralan, matapos magwagi sa qualifiers ay puspusan na sa pag-eensayo nina Jeannette Carpio sa gymnast at si Thea Amethyst sa chess, kasama ang kanilang mga coach na itinalaga ng Division Office.
Aniya, ito ang unang pagkakataon ng nasabing pambato ang pagsabak sa naturang kompetisyon.
Payo naman ni Santillan na mahalagang mag-enjoy ang mga ito sa kanilang laro at ipagptuloy ang pangarap, nagwagi man o hindi.
Nagpaalala rin si Santillan sa kanilang mga athlete na parating paghandaan ang init ng panahon.
Sa kabilang dako, nakatakda sa June 9 ang pagbubukas ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan.
Bukas naman ang kanilang paaralan para sa mga gustong mag-volunteer sa aktibidad.
Habang sa paparating na biyernes naman, May 23, magbubukas ang screening ng kanilang Special Program in Science. Maaaring pumasok dito ang mga nasa edad 6.
Ibinahagi rin ni Santillan na target nila ngayon ang mas mataas ng 2,000 ang magpapaenroll dahil sa panibagong program na kanilang bubuksan.