Mainam na tignang mabuti ang mga kumakalat na post sa social media at maging mapanuri lalo na sa mga kumakalat na maling impormasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas Chairman, Teachers Dignity Coalition ang kumakalat na post sa social media na nagsasabing magkakaroon ng karagdagang Grade 13 sa senior high school simula sa School Year 2025–2026 ay fake news o maling impormasyon.

Aniya na bago maniwala ay tignan muna ang source kung kanino ito galinga at tignan rin kung verified ba ang post.

--Ads--

Bagama’t ang mga opisyal na balita kagaya na lamang nito ay manggagaling lamang sa DepEd Philippines official social media accounts.

Kaugnay nito sakali mang magkaroon ng Grade 13 sa SHS ay marami aniyang salik na kailangang ikonsidera.

Ngunit sa panahon ngayon ay mainam na pagtuunan muna ang problema sa mga classroom, mga pangangailangan ng guro gayundin ang kakulangan sa mga pasilidad.

Samantala, magbabalik naman sa pre-pandemic school calendar ang pasukan, kung saan ang susunod na school year ay magsisimula na sa Hunyo 16, 2025 at magtatapos sa Marso 31, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 12, Series of 2025.