DAGUPAN CITY- Dismayado ang Federation of Free Farmers sa naging mabagal na aksyon ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa matagal nang napapaulat na pagbili ng palay ng mga magsasaka sa 32 lugar sa Luzon sa napakababang presyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, Chairman ng nasabing grupo, hindi ito ginawan ng aksyon at sinabi lamang ni DA Spokesperon Tiu Laurel Jr. noong Marso na isa itong fake news kaya sa gagawing imbestigasyon, magsisilbi na lamang na guidance sa susunod na anihan upang maiwasan ito na mangyari ulit.
Kanilang mungkahi na dapat ay nakakabili ng mga inaning palay ang DA at National Food Authority (NFA) sa tuwing anihan upang maiwasan ang ganitong insidente.
Gayunpaman, laking ipinagtataka ni Montemayor na sa panahong magsisimula pa lamang ang anihan ay puno na ang storage facilities ng NFA.
At sa gagawing imbestigasyon, hindi lang dapat trader ang bubusisiin kundi maging ang inventory management ng NFA dahil sa pagkapuno ng facility.
Nagdudulot rin kase ng pagbagsak sa presyo ng palay ang kakulangan ng management stocks.
Hanggang sa ngayon ay ganito pa rin ang nararanasang problema ng ahensya at malaki pa ang kanilang backlog.
Wiling man ang NFA na bumili ng palay sa mga magsasaka subalit mahigpit ang kanilang requirements at maliit lang din ang binibili.
Sang-ayon naman ang Federation of Free Farmers sa pag-aaral floor plan ng DA para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.
Umaasa sila na makikita ang aktwal na implementasyon nito upang maliban sa proteksyon, maibebenta pa ang palay sa mataas na presyo sa pamamagitan ng tulong mula sa NFA.