DAGUPAN CITY- Ipinapanawagan ng isang labor group ang agarang pagpasa ng Security of Tenure Bill upang makatulong s amga mangagawang Pilipino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josua Mata Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, tila matagal nang hindi nararamdaman ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan.
Aniya, sa pamamagitan ng Security of Tenure Bill, magkakaroon ng proteksyon at katiyakan sa kabuhayan, seguridad, at kita ng mga manggagawa.
Dagdag niya, hindi rin mapapalakas ang karapatan ng mga manggagawa kung walang unyon at kolektibong pakikipagkasunduan.
Hinimok ng grupo ang kasalukuyang administrasyon na aprubahan ang panukala bago pa ang halalan sa 2028, lalo na’t posibleng maghangad muli ng posisyon ang ilang opisyal.
Naniniwala rin ang Sentro na dapat ipakita ng mga manggagawa ang kanilang lakas at hinaing upang igiit ang pagpasa ng panukala.