Dagupan City – Handa na ang higit 590 mga studyante sa Region 1 para irepresenta ang reihyon sa 2025 Palarong Pambansa na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte ngayong Mayo 24-31, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Committee Chairperson ng Media and Documentaion Committee – Palarong Pambansa 2025 ang bilang ng mga ito ay mula sa dawalang antas kung saan ang 206 ay mula sa elementarya, 346 naman sa secondarya at 40 naman sa paragames. Habang ang natitira naman na bubuo sa 877 sa kabuuan ng delegates ay mula sa coaches at kasama ng mga kalahok.

Samantala, upang masiguro naman ang kaayusan at kaligtasan ng mga ito katuwang ng Department of Education ang kagawaran ng ahensya sa bawa’t munisipalidad sa Ilocos Norte, kasama rito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), Barangay action teams, volunteers, at law enforcement agencies.

--Ads--

Nauna na rito nakatakda namang dumalo si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bilang panauhing pandangal.