Bilang paggunita sa road safety month ngayon buwan ng Mayo, nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) Alaminos District Office ng isang Seminar ukol dito para sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa Alaminos at Burgos, Pangasinan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince B. Dizon at LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, alinsunod sa mga direktiba ng LTO Region 1 Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez at Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben.

Layunin ng seminar ay palakasin ang kamalayan at itaguyod ang mahigpit na pagsunod sa mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada.

--Ads--

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakabagong kaalaman sa mga batas trapiko, responsableng pagmamaneho, at pag-iwas sa aksidente sa mga kawani ng BJMP, binibigyang-diin ng LTO ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga serbisyong publiko na ito sa pagtitiyak ng kaligtasan hindi lamang sa kanilang mga propesyonal na tungkulin, kundi pati na rin bilang mga responsableng paggamit ng kalsada.

Kaugnay nito ang ahensya ay muling nagpatibay ng kanilang pangako na makipagtulungan sa mga law enforcement at civil service groups upang isulong ang mga layunin ng mas ligtas na mga kalsada para sa lahat.