Extra judicial partition ang legal na proseso na maaaring gawin kung saan ang mga tagapagmana ng isang namatay na tao ay nagkakasundong hatiin ang kanyang ari-arian nang hindi na dumadaan sa korte.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo – Co- anchor, Duralex Sedlex kailangan muna ng pahintulot sa lahat ng mga tagapagmana o kasunduan kung sakali mang nais na maibenta ang parte dito.
Aniya na kung hindi papayag ang isa sa mga ito ay maaaring pag-usapan sa hukuman.
Sakali mang hindi parin nagkaroon ng agreement ay ang hukuman na mismo ang maghahati ng nasabing lupa.
Samantala, hinggil naman sa usapin na sa right of way ani Atty. Tamayo na ang isang lupa na napapalibutan ng lupa ng iba ay nangangailangan ng daan sa pinakamalapit na highway.
Kung saan ang isang tao ay bumibili ng daan at hindi hinihingi.
Ang isang private property ay hindi pwede kunin ng publiko kung walang kabayaran.
Habang ang luwag at haba naman nito ay depende sa pangangailangan.
Kaya’t kung may usaping o isyung ganito ay maaaring pag-usapan sa barangay upang hindi na umabot sa hukuman.