DAGUPAN CITY- Maaaring maging lubhang delikado ang tinatawag na kondisyong varicose kung ito ay hindi naagapan at mapabayaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Doc. Wilsky Delfin, isang naturopathic doctor at spine alignment specialist, itinuturing ang varicose pains bilang namamagang ugat sa binti na masakit at nakakaapekto sa maayos na daloy ng dugo.

Aniya, madalas itong maranasan ng mga taong matagal nakaupo o nakatayo, lalo na ng mga buntis.

--Ads--

Delikado ito kapag umabot sa stage 3, kung saan lumolobo at namamaga na ang ugat.

Wala mang gamot sa varicose pains, may mga natural na treatment na makatutulong.

Mahalaga rin ang tamang kilos at pangangalaga sa katawan araw-araw.

Kailangang maginga ctiveang katawan upang maiwasan ang ganitong klaseng mga kondisyon.

Paalala ni Doc. Delfin, hindi ito namamana pero puwedeng lumala at pumutok ang ugat kung hindi agad maaagapan.