Farmers in North of Manila were looking forward to a good harvest this year . Pangasinan is the country’s third biggest rice producer, next to Nueva Ecija and Isabela provinces. But Farmers here was worried Price of palay.Photos by Mau Victa/Rappler

DAGUPAN CITY- Maganda man sa pandinig ang panukalang dagdag P10 sa buying price ng palay subalit, 5% lamang sa quota ng mga ani sa buong bansa ang kayang bilhin ng National Food Authority (NFA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rodel Cabuyaban, magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija, mas mainam na lamang kung hindi ito kabilang sa paglaan ng pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

At mas maraming mga magsasaka ang makikinabang kung dodoblehin pa ang mabibiling palay ng NFA at mabigyan ang ahensya ng kapangyarihan na agad itong maibenta.

--Ads--

Aniya, hindi masosolusyonan ng pagtaas ng buying price ang kakulangan ng storage facilities para sa mga binibiling palay kaya napapahinto ang NFA sa pagbili.

Hindi rin naman sapat ang napapakinabangan ng mga magsasaka sa mga ayudang natatanggap mula sa kinikita ng Rice Tarrification Law dahil hindi nito binibili ang mga inaning palay at hindi rin napapababa ang gastusin ng mga magsasaka.

Kaniyang hinihikayat ang mga nagwagi sa kakatapos na halalan, partikular na ang mga party-list, na pagtuonan ng pansin ang pagpapabuti ng serbisyo mula sa NFA upang masuportahan ang tunay na kailangan sa industriya ng agrikultura.

At sa pagpasok ng 20th Congress, hiling nila na maisulong din ang pagkakaroon ng Minimum Suggested Price sa pagbili ng palay upang wala nang maluging magsasaka.