Dagupan City – Nakapagtala ng nasa 3 kasong medical ang Pangasinan Provincial Health Office sa katatapos na National and Local Election 2025.
Ang bilang na ito ay ang mga naisugod sa ilang ospital sa lalawigan sa kasagsagan ng botohan Mayo 12.
Ayon kay Dr. Ma. Vivian V. Espino ang officer in charge ng nasabing opisina na 1 dito ay nasawi habang 2 naman ay umayos din ang kalagayan.
Aniya na epekto ng mainit na panahon ang kanilang naging sakit kaya isinugod sa ospital pagkatapos magboto.
Naitala ang dalawang kaso sa Mangatarem District Hospital na kinabibilangan ng isang 50-anyos na babae na nakaranas ng Hypertensive Urgency o pagtaas ng blood pressure, sumunod ay isang 24-anyos na lalaki na nakaranas ng virtigo o pagkahilo habang ang isang 60-anyos na lalaki mula sa bayan ng Binmaley ay naisugod sa Region 1 Medical Center ngunit nasawi din dahil sa acute Myocardial infection at Pulmonary Tubercolosis.
Base naman sa kanyang obserbasyon ay preparado ang mga botante sa pagpunta sa kani-kanilang presinto para bomoto kaya hindi gaanong mataas ang kanilang naging kaso.
Dagdag pa nito na naging malaking tulong din ang pagbibigay ng oras para bomoto ang mga nasa vulnerable sector upang hindi na sila makipagsiksikan at makihalo sa mga regular voters.
Saad pa nito na wala namang naitalang karahasan o mga aksidente sa kalsada sa araw na iyon.
Samantala, magpapatuloy naman ang kanilang mga programa sa pagbabalik ni Gobernador Ramon ” Monmon” Guico III dahil naniniwala ito na ang malusog na mamamayan ay maunlad na pamayanan.