Dagupan City – Ipinaabot ni Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sammy” Rosario ang suporta sa nanalong administrasyon matapos ang anunsyong kaniyang pormal na pagbibitiw bilang bise sa kanilang bayan.

Sa naging mensahe nito, sinabi niya na marahil ay panahaon na para ito ay magbitiw sa serbisyo. Isa sa kadahilanang naibahjagi nito ay ang kaniyang edad, si Rosario ay 76 na taong gulang na, kung kaya’t sinabi rin nito na marahil ay naipakita na rin niya sa bayan ang kaniyang serbisyong tapat sa loob ng 15 taong paninilbihan.

Dito na rin niya ipinaabot ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang pamumuno at pinasalamatan ang sambayanan sa pagbibigay ng tiwala sa kanya sa loob ng mahabang panahon.

--Ads--

Ipinaabot naman nito ang kaniyang pagbati sa kanyang dating katunggali sa pulitika na si Binmaley Mayor Pedro A. Merrera III.

Nilinaw rin ni Rosario na wala siyang kinikimkim na hinanakit at wala ring salungatang magaganap sa pagitan nila. Aniya, layunin ng kanyang pagbibitiw na tuldukan na ang anumang sigalot sa kanilang hanay, at nirerespeto nito ang lider na pinili ng taumbayan.

Kung babalikan din kasi aniya ang nakaraan, sama-samang itinaguyod ng mgaa ito ang pagbangon ng bayan.

Si Vice Mayor Rosario ay tumakbong Mayor sa katatapos na May 12, 2025 elections subalit hindi pinalad laban kay reelectionist Mayor Merrera.