DAGUPAN CITY- Ipinapanawagan ng ilang mga environmental groups na magkaroon ng malinis na kapaligirin at kalikasan matapos ang halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, mahalagang pagtulungan ang paglilinis upang maiwasan ang masamang epekto ng mga substance mula sa mga campiagn materials sa kalikasan.
Aniya, karamihan sa mga ginamit na materyales tulad ng tarpaulin at papel ay hindi tumatagal at madaling masira sa ulan at araw.
Dahil dito, napupunta ang mga ito sa kalupaan at katubigan na nagdudulot ng polusyon at panganib sa kalikasan.
Dapat ding tutukan ng mga lokal na pamahalaan, kandidato, at mamamayan na agarang baklasin ang mga campaign materials na naiwan matapos ang halalan.
May ilang campaign materials na ginagamit bilang panakip sa bubong at iba pang gamit sa bahay, ngunit kailangan pa ring mag-ingat dahil may ilan dito na may toxic chemicals.
Panawagan naman ng grupo para sa susunod na halalan na gumamit ng environment-friendly na campaign materials sa susunod na halalan.
Dapat din aniyang turuan ang mga tao sa tamang paraan ng pagbabaklas upang hindi makasama sa kapaligiran.