DAGUPAN CITY- Itinuturing na generally peaceful ang isinagawang halalan sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Comelec Officer ng Dagupan City, malaking bahagi ang naiambag ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa isinagawang halalan.

Aniya, nakatutuwa rin aniya na umabot sa 87 na porsiyento ang bilang ng mga voters turnout, kung saan itinuturing itong isang achievement.

--Ads--

Dahil din sa patuloy na pag-iimporve ng mga kagamitan ay mas napabilis ang mga isinagawang proseso.

May mga naitala din ilang mga aberya dulot ng marking pens, ngunit agad din naman itong nagawan ng paraan.

Panawagan naman nito sa mga naging kandidato na magsumite ngkanilang statement of contributions.

Mensahe naman nito sa mga nahahal na sana ay tuparin ang kanilang mga ipinangakopng plataporma noong sila ay nangangampanya.