Maaaring ituring na physical incapacity ang kasalukuyang sitwasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong manalo sa pagka-alkalde sa Davao gayong siya ay nakadetine sa The Hague, Netherlands.

Sa naging panayam kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst aniya na kahit naiproklama ito bilang panalo ay wala naman siya sa kanilang lugar upang makapagtrabaho at manilbihan bilang alkalde.

Dahil dito ay magkakaroon ng temporary vacancy sa kanyang opisina at aasahan muna ang kaniyang anak na si Sebastian Duterte ang magsisilbing acting mayor matapos nitong makuha ang pagkapanalo sa pagiging bise alkalde.

--Ads--

Bagama’t ay maraming kinaharap na kontrobersiya at isyu ang pamilyang Duterte ay malakas parin ang kanilang political capital.

Ito ay makikita rin na ang kanilang mga inindorsong mga senatorial candidate ang ilan ay pasok sa mga top 12 senatorial candidate.

Gayunpaman, hindi parin masasabi na ang Duterte brand ay malakas parin sa Pilipinas gaya sa Luzon at Visayas subalit malinaw na malakas parin ang kanilang kamandag sa Mindanao.