Ibang-iba ang nakita sa mga surveys sa naging resulta ng katatapos lamang na halalan.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan marahil binubuo ng halos 60 porsyento ng electoral rate ay mga Gen-Z at Millenials kaya’t halos ang mga dynasties at mga celebrities partikular na sa senado ay hindi pasok sa Top 12 Senatorial candidates.

Bukod dito ay nanguna rin ang Akbayan para sa mga partylist taliwas sa mga lumabas na resulta noon sa mga surveys.

--Ads--

Pagbabahagi ni Atty. Yusingco na malaking salik ang pagtanggi ng mga gen-z at millenials sa dynasty at celebrities sa naging resulta ng halalan.

Naging epektibo din aniya lalo na ang media sa pagtutok sa problema sa political dynasty sa bansa.

Samantala, bagama’t tapos na ang halalan saad nito na hindi pa tapos ang trabaho nating mga mamamayan.

Dapat ay panagutin natin ang nanalo at nailoklok sa pwesto dahil ang taumbayan ang dahilan kung bakit sila naihalal.