Dagupan City – Nagpaalala ang Office of Civil Defense o OCD Region 1 sa pagdadala ng pananggala sa mainit at maulan panahon na mararanasan sa araw ng eleksyon.

Dahil ayon kay Region 1 Office of Civil Defense, Regional Director Laurence Mina sa patuloy na pakikipag-ugnayan din nila sa DOST-PAGASA na makakaranas ang rehiyon ng scattered thunderstorm sa panahon ng eleksyon, kaya naman kanila na rin inalam ang mga lugar na dapat matutukan kung sakali man na magkaroon din ng malakas na mga pag-ulan.

Kanila ring inalerto ang mga local disaster risk reduction management sa abwat brgy, upang maging first liner sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Mayroon na rin aniya na mga nakahandang evacuation center.

--Ads--

Paalala ng tanggapan ang pagiging handa anumang oras dahil madalas sa hapon ang pag-ulan.