DAGUPAN CITY- Nakatutok ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa pagtitiyak ng maayos at patas na halalan sa May 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lito Averia, chairperson ng nasabing kilusan, hinihikayat nila ang publiko sa pakikipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng NAMFREL App.

Sa pamamagitan nito, makakatulong ito na maberipika ang mga datos na pumapasok sa server ng Automated Counting Machine (ACM) sa lunes.

--Ads--

Mayroon pa silang proyekto na kinabibilangan ng 60 clustered precinct upang tiyakin ang tamang pagbasa sa balota ng mga botante.

Magkakaroon naman sila ng deployment ng mga volunteers upang maging katulong sa pagbantay sa magiging proseso ng halalan.

Kaya hanggang sa kasalukuyan, naghahanap pa sila ng karagdagang volunteers upang maging katuwang sa halalan.

Pinaghahandaan din nila ang pagmonitor ng mga insidente sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang na rito ang patuloy na pag-iral ng vote buying kung saan mas talamak ito sa lokal.

Kanila umanong ikinaalarma ang mas mataas na halaga ng pera na ibinibigay sa mga ito kung saan mababa na ang P5,000.

Nariyan din ang pagbantay nila sa mga election-related violence.

Samanatala, umaasa si Averia na may nakahandang contigency plan ang Commission on Election (Comelec) lalo na sa transmission ng ACM kung magkaproblema ito sa internet connection.

Pinaaalala naman niya sa mga botante na alamin ang kanilang naitalagang presinto upang hindi na nila sila mahirapan sa araw ng halalan.

Maaari itong makita sa ibinibigay na voter’s information sheet o di naman ay itanong sa voter’s assistant desk.

Sa mismong pagboboto, tiyakin naman na tama ang pag-shade sa balota upang ito ay mabasa ng ACM. Huwag rin kalimutan ang paggamit ng security folder para maproteksyonan ang boto.

Tiyakin din sumunod sa batas ng Comelec hinggil sa pagboto, lalo na sa hindi paglitrato sa balota at vv pad.