DAGUPAN CITY- Iniutos ni Mayor Jolly R. Resuello ang pansamantalang paglipat ng mga apektadong market vendors at negosyante sa Municipal Gymnasium at Auditorium dahil sa sumiklab na sunog sa pamiliyang bayan ng Basista kaninang madaling araw.

Sa isang pulong na isinagawa kanina kasama ang mga apektado at mga department heads, ipinaliwanag ng alkalde na kailangan ng ilang araw upang maayos ang pagpaplano at paghahanda ng bagong pwesto.

Ayon dito na isasara at kukurdonan na ngayon araw hanggang sa susunod na araw na nagbabawal munang magtinda dito upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal dito habang inaantay na maayos ang mga pinsala.

--Ads--

Pinagbawal din nito ang pagtitinda sa gilid ng kalsada dahil sa panganib na baka maaksidente o masagasaan ng mga sasakyan.

Saad pa niya na, tinatayang 75-80% ng pamilihan ang nasira lalo na ang gitnang bahagi na siyang nakikitang pinagmulan ng apoy, kaliwang bahagi, at likuran kung saan naapektuhan din ang mga pribadong ari-arian ngunit ang natirang maayos lamang ay ang harapan at kanang bahagi, partikular ang fruit and vegetable section.

Dagdag pa nito na, dahil sa election ban naging limitado ang pagkilos nilang mga opisyal lalo na sa pagbibigay ng tulong pinansyal.