DAGUPAN CITY- Maituturing bilang isang wake-up call ang pag-disquality ng COMELEC sa isang kumakandidatong kongresista dahil sa isang remarks nito sa isang single mom.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay KJ Catequista, Secretary General ng Secretary General Gabriela Women’s Party, isang maagang Mother’s Day gift ito para sa lahat ng solo parents at mga kababaihan sa ating panahon.

Aniya, nabigyan ng hustisya ang pagtindig laban sa bastos na pananalita.

--Ads--

Kung titingnan ay malaki ang epekto nito sa kababaihan at nagpapakita na sa sama-samang paninindigan at pagkakaisa, may laban ang mga inaapi.

Dapat din umanong matakot ang mga politiko sa pananagutan kapag sila’y walang respeto, lalo na sa mga marginalized sectors tulad ng mga solo parents.

Mensahe naman niya sa publiko na maging mapanuri sa mga kandidatong iboboto, at dapat plataporma ang pinaiiral, hindi kung ano mang bagay.