DAGUPAN CITY- Nasa maayos na kalagayan ang takbo ng mga Vote Counting Machines sa Dagupan City base sa kanilang isnagawang pagsusuri.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Franks Sarmiento, COMELEC Officer ng Dagupan City, na maayos at walang aberya ang operasyon ng mga vote counting machines (VCMs) sa lungsod.
Aniya, very smooth ang naging pagtakbo ng mga makina at walang naitalang major concern.
May ilang minor na isyu, ngunit agad itong inaaksyunan ng electoral boards.
160 na VCMs ang na-deploy, kasama ang ilang contingency units na nakaabang sakaling may masira sa mismong araw ng halalan.
Mahigpit din ang security kasama ang kapulisan na 24/7 nakaantabay, at titiyaking hindi mabubuksan o mamamanipula ang mga makina.
May mga nakatalagang tech support staff para agad tugunan ang mga teknikal na problema.
Nakipag-ugnayan na rin ang COMELEC sa electric companies para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.