DAGUPAN CITY- ‎Nakahanda na ang mga personnel ng PNP San Jacinto para sa kanilang deployment sa lahat ng voting centers sa bayan sa nalalapit na halalan.

Sa kasalukuyan, naka-full alert status na ang kanilang hanay at nasa siyamnapung porsyento na ang kanilang kahandaan, ayon sa hepe ng pulisya na si Police Major Napoleon Velasco.

Bahagi ng kanilang paghahanda ang pagpapadala ng mga personnel hindi lamang sa San Jacinto, kundi pati na rin sa mga karatig bayan na nangangailangan ng dagdag na pwersa. Isa itong hakbang upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa kabuuan ng halalan.

--Ads--

Bukod dito, nakaantabay na rin ang mga quick reaction team sa ilalim ng District 4. Ang mga ito ay handang tumugon agad kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan o kaguluhan sa panahon ng botohan.

Patuloy ang panawagan ng PNP sa mga mamamayan na makiisa, maging mapagmatyag, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang masiguro ang mapayapang halalan sa bayan.