DAGUPAN CITY- Engrande at masaya ang pagdiriwang ng Mother’s Day sa bansang Japan, kung saan itinuturing ito bilang isang espesyal na araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, makulay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Mother’s Day sa nasabing bansa.
Aniya, punong-puno ng bulaklak ang mga flower shops at iba’t ibang klase ng mga paninda ang inilalabas para sa okasyon.
Nagsisimula ang araw sa tradisyunal na “breakfast in bed,” habang ang mga bata ay nagbibigay ng cards sa kanilang mga ina.
May mga espesyal na pagkain tulad ng egg dishes at iba pang putaheng inihahanda para sa espesyal na araw.
Samantala, makikita rin ang mga pakulo at aktibidad sa mga malls at shopping centers na lalong nagpapasaya sa mga ina.
Dagdag niya, kahit maraming ina ang nagtatrabaho, hindi nawawala ang pagpapakita ng pagmamahal sa kanila.
Karaniwan, dinadala ng mga ina ang kanilang mga anak sa cram school bago pumasok sa trabaho, at nagiging bahagi na ito ng sistema.