Pinayagan ng security cabinet ng Israel ang pagpapalawak ng opensiba laban sa Hamas, kabilang ang pagsakop sa Gaza at paghawak sa teritoryo nito, ayon sa isang opisyal.
Kasama rin sa plano ang paglipat ng 2.1 milyong Palestino patimog, na maaaring magpalala sa humanitarian crisis..
Tinawag ni Prime Minister Benjamin Netanyahu itong “magandang plano” dahil layon nitong talunin ang Hamas at ibalik ang mga bihag.
Bukod dito pinayagan din, ang paghahatid ng ayuda sa pamamagitan ng mga pribadong kompanya, na magtatapos sa dalawang buwang blockade na nagdulot ng matinding kakulangan sa pagkain, ayon sa UN.
Mariing tinutulan ito ng UN at iba pang grupo, na sinabing lumalabag ito sa batayang prinsipyo ng makataong pagtulong.
Ayon naman sa Hamas, ito’y isang uri ng “political blackmail.”