Dagupan City – Patuloy na pinagtitibay ng Urdaneta City Police Station, sa pangunguna ni PLTCOL Radino S. Belly (Officer-in-Charge), ang mas maigting na presensya ng mga tauhan nito sa mga lansangan bilang bahagi sa paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Isinasagawa dito ang mga regular na pagpapatrolya, pagmo-monitor ng trapiko, at pagbibigay ng tulong sa publiko upang maiwasan ang mga aksidente at krimen para masiguro ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga motorista sa lungsod.

Gumagamit sila ng mga motorsiklo para sa mas mabilis at malawak na pagpapatrolya, na nagbibigay-daan sa mas mabilis na pagtugon sa mga pangyayari at pagpigil sa mga krimen sa lansangan.

--Ads--

Pinagmamasdan din nila ang mga kahina-hinalang gawain at tinitiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Bukod dito, nagbibigay din ng presensya ang mga pulis sa mga pampublikong aktibidad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang dumadaan at bumibisita sa lungsod.