Dagupan City – Bilang bahagi ng paghahanda para sa 2025 National at Local Elections, isinagawa ang Lakad Pangasinan isang Unity Walk at Misa ng Bayan na layong isulong ang malinis, tapat, at mapayapang halalan sa lalawigan.
Pinangunahan ito ng mga volunteer mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting, katuwang ang Commission on Elections, mga miyembro ng kapulisan, at iba pang sektor ng pamahalaan.
Bago ang Unity Walk, idinaos muna ang isang banal na misa sa St. John the Evangelist Cathedral sa lungsod ng Dagupan. Dito pinalalim ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at responsibilidad sa halalan.
Sa pagtatapos ng programa, sabay-sabay na nanumpa ang mga lumahok para sa isang halalan na ligtas, tahimik, at patas isang mahalagang hakbang para sa isang matatag na demokrasya sa Pangasinan.