DAGUPAN CITY- Malapit na magtapos ang Online Voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansang Russia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupank ay Geenvive Dignadice, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, April 13 pa nang magsimula ang Online Voting sa kanilang kinaroroonan.

Aniya, nagbubukas ang embahada ng Pilipinas sa Moscow araw-araw, sa oras na 8:00 AM hanggang 5:00 PM, upang tanggapin ang mga nais bumotong OFW.

--Ads--

Karamihan sa mga Pilipino ay tuwing weekend bumoboto dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang trabaho tuwing weekdays.

Samantala, marami na rin ang mga lugar na nakaboto na at malapit na rin matapos.

Kahilingan din ng mga OFW sa bansang Russia na mailuklok na sa pwesto ang magsisilbing daan sa kaunlaran ng Pilipinas.

Sa kabilang dako, patuloy pa rin nakakaramdam ng takot ang mga OFW sa Russia dahil sa kaguluhan umiiral sa pagitan ng bansa at Ukraine.

Gayunpaman, tiniyak naman ni Dignadice na hindi nawawala ang kanilang seguridad lalo na sa kanila.

Kaya nagkaroon na rin ng bagong batas para sa mga foreigners, lalo na sa mga undocumented, upang mabantayan ng Russia ang kaligtasan at kaayusan laban sa mga dayo na nagdadala ng kaguluhan sa bansa.