DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy pa rin ang pagsuporta sa mga bangus growers dito sa lalawigan ng Pangasinan upang mapataas ang kanilang produksyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cristopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahang Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), nagkaroon ng seminar ang kanilang opisina ukol sa mga bagay na may kinalaman sa aquacuture, sa tulong na rin ng City Agriculture Office at ilan pang mga ahensiya upang tulungan ang mga bangus growers at fisherfolks.
Aniya, naging makabuluhan ang isinagawang mga aktibidad dahil bukod sa pagdaan ng Semana Santa, at ipinagdiwang rin ang Bangus Festival kung saan nakapag provide ang mga magbbangus ng tamang dami at hindi tumaas ang presyo nito.
Isa ring hamon na kinahaharap ng mga magbabangus ay ang panaka-nakang pag ulan na nagdudulot ng ilang mga suliranin.
Dagdag niya, may magandang epekto ang pag ulan ng aabot ng isang oras sa mga alagang bangus.
Mensahe naman nito sa mga consumers na tuloy-tuloy ang pagsuporta sa bangus industry dito sa lalawigan ng Pangasinan.