DAGUPAN CITY- Nagtipon ang City Joint Security Control Center (JSCC) noong Mayo 2, 2025 sa Buklod Diwa Hall, Dagupan City Police Station sa pangunguna ni Election Officer Atty. Michael Franks T. Sarmiento. Layunin ng pulong na tiyakin ang ligtas at maayos na halalan sa lungsod.
Kasama sa pagpupulong ang PNP Dagupan at iba pang puwersa ng seguridad. Tinalakay ang pagbabantay sa paglipat ng Automated Counting Machines (ACMs) at election materials sa mga voting centers.
Binigyang-diin ni Atty. Sarmiento ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga ahensya at seguridad ng mga botante at poll workers. Ipinaalala rin ang pagbabawal sa vote-buying, pagdadala ng baril, at iba pang paglabag.
Tiniyak ni P/Lt. Col. Brendon Palisoc na handa ang pulisya sa anumang insidente. Nanawagan ang JSCC sa publiko na makiisa upang maisakatuparan ang ligtas at mapayapang halalan.