DAGUPAN CITY- Umabot sa 391 indibidwal ang agad na nakakuha ng trabaho (Hired-on-the-Spot o HOTS), at 382 pa ang nasa proseso ng pagkuha ng trabaho (“near hires”) sa kakatapos na 123rd Labor Day Job Fairs na handog ng Department of Labor and Employment Region 1.

Tinatayang nasa 1,809 ang nagparehistro sa mga job fairs mula sa mahigit 21,752 na kabuuang bakanteng posisyon na inalok sa kaganapan ng nasa 167 employer na kinabibilangan ng 15,922 lokal at 5,830 oportunidad sa ibang bansa.

Bukod sa mga oportunidad sa trabaho, nagbigay din sila sa pakikipagtulungan ng DSWD at DOH, ng libreng pre-employment medical services, kabilang ang general check-up, X-ray, urinalysis, complete blood count, at pagbibigay ng medical clearances.

--Ads--

Umabot naman sa 293 ang nakakuha ng konsultasyon, at 86 ang nabigyan ng medical clearances.

Samantala, nagkaloob din ng serbisyo ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng DMW, TESDA, DTI, PAG-IBIG, PhilHealth, CSC, PRC, SSS, PSA, at BIR at kasama rin ang Kadiwa ng Pangulo program ng DA, at ang Diskwento Caravan ng DTI.