DAGUPAN CITY- Isinusulong sa bayan ng Sta. Barbara ang mga proyektong konkretong tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Kabilang sa mga pangunahing inisyatiba ang pagpapalawak ng Municipal Hall upang mapabilis ang serbisyo publiko, at ang pagtatayo ng Community Hospital para sa mas malapit at libreng serbisyong medikal.
Ipinagmamalaki rin ang muling pagsasaayos ng lumang Municipal Hall na ngayo’y tinaguriang “Presidencia” at magsisilbing museo ng kasaysayan at kultura ng bayan.
Bukod dito, binigyang pansin ang kapakanan ng mga kababayang may kapansanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang ligtas at maayos na PWD Office.
Samantala, isang patunay ng patuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya ang nalalapit na pagtatayo ng kauna-unahang fast food restaurant sa nasabing bayan.
Sa mga proyektong ito, layunin ng pamahalaang lokal na patuloy na iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan na isang hakbang tungo sa mas maunlad nilang bayan.