DAGUPAN CITY- Magandang hakbangin ang mga ginagawang pamamaraan ng gobyerno upang pababain ang presyo ng bigas ngunit kailangan pa itong palawakin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sony Africa, Executive Director, Ibon Foundation, nakikita na sa ating panahon ay lumalala ang problema sa kagutuman.
Aniya, naitala ng SWS na domoble ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom, kaya’t kung titingnan ay dapat na ikatuwa ang paglalabas ng 20 pesos na bigas sa ilang mga mahihirap na mga pamilya sa Visayas.
Kung susuriin aniya ay hindi lamang ang mga pinakamahihirap na mamamayan sa Visayas ang kailangang makatanggap ng ganitong mga programa ng pamahalaan kundi majority o mayorya ng mga nangangailangan nito.
Dagdag niya, kailangan pang pag-igtingin ng pamahalaan ang kanilang mga isinasagawang hakbang upang marami ang mabigyan ng ganitong mga hakbangin.
Sa ngayon ay kailangang tingnan kung ano pa ang mangyayari sa ang bansa sa susunod pang mga panahon.