DAGUPAN CITY – Malaki umano ang naging epekto sa buong bansang France ang naranasang mahigit 10 oras na power outage na naranasan din sa bansang Portugal at Spain.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa France, sinabi nito na base sa initial findings ay nagkaroon ng atmospheric disturbance kaya nangyari ang power outage kung saan kanyang inihalimbawa ang pangyayari gaya sa Pilipinas na nawawala ang kuryente kapag umuulan at kumikidlat.
Unang pagkakataon na nangyari ito sa kanilang bansa at maraming naapektuhan at naantalang operasyon sa buong bansa.
Maraming pasahero ang stranded sa tren at elevators habang milyon-milyon ang nawalan ng telepono at internet, at problemado ang mga tao dahil hindi sila makapaglabas ng pera.
Hindi ito nangyayari sa kanilang bansa kaya naging mahirap ang situwasyon na kinaharap ng mga mamamayan doon na nagdulot ng seryosong problema sa milyong mamamayan at mga negosyo.
Bihira itong mangyari dahil may mga nuclear power plants sila doon at gayundin may mga solar power at wind power naman sa Spain at Portugal.
Sa ngayon ay unti unti nang bumabalik ang suplay ng kuryente sa kanilang bansa.