Dagupan City – Kasalukuyang isinasagawa ang Gayaga Pangasinan Festival (Street Dance Exhibition) sa Capitol Plaza-Lingayen, Pangasinan.

Tampok rito ang 6 na kalahok na kinabibilangan ng 4 na bayan at 2 lungsod.

Kung saan sa bayan ng Lingayen ay itinampok ang Bagoong Festival, Sa Alaminos City naman na ipinakita ang Hundred Islands Festival, sa bayan ng Mabini na Balincaguin Festival, sa lungsod ng San Carlos na Mango-Bamboo Festival, sa Anda na Binongey Festival habang sa Infanta naman na Taraoan Festival.

--Ads--

Inumpisahan ang nasabing patimpalak ala-7 ng umaga.