Mga kabombo! Kaya mo bang sumagip ng studyante na na-stranded sa Mount Fuji?

Eh paano na lamang kung malaman mong ang pinaghiarapan niyong iligtas ay muling nangailangan ng rescue matapos bumalik sa Mount Fuji dahil sa Cellphone?

Ito kasi ang nangyari sa 27-anyos na estudyanteng Chinese matapos ma-stranded sa Mount Fuji.

--Ads--

Batay sa ulat, ang dahilan umano nito ay ang una dahil sa altitude sickness at ikalawa nang bumalik siya para kunin ang naiwang cell phone.

Lumalabas naman na unang iniligtas ang estudyante noong Abril 22 habang nasa Fujinomiya trail, halos 3,000 meters above sea level. Nawalan umano siya ng kakayahang bumaba matapos masira ang gamit niyang crampons. Dahil dito, inilikas siya gamit ang helicopter.

Gayunman, makalipas lamang ang apat na araw, bumalik ang estudyante sa bundok upang hanapin ang naiwang cell phone at iba pang kagamitan.

Dahil sa ginawa nito, muling kinailangan ang rescue operation nang muli siyang makaranas ng altitude sickness. Dinala siya sa ospital at ngayon ay maayos na ang kondisyon.

Ayon sa mga ulat, wala pang ipina­pataw na multa sa mga umaakyat sa bundok kapag off-season, kahit pa sila ay ma-rescue.

Gayunman, paulit-ulit ang paalala ng mga awtoridad sa Shizuoka na iwasan ang pag-akyat kapag hindi official climbing season lalo na’t marami nang insidente ng aksidente at kamatayan sa bundok sa mga nagdaang taon.