Nais paimbestigahan ni Pangasinan 6th district Representative Marlyn Primicias-Agabas sa Commission on Election (Comelec) hinggil sa di umano’y reklamo ng vote-buying sa lalawigan ng Pangasinan ngayon nalalapit na ang midterm elections.

Ang nasabing kasulatan ay natangap nina Comelec chairperson Geroge Garcia at Philippine National Police chief General Rommel Marbil at inirereklamo ang hinihinalang kaso ng vote buying sa bayan ng Rosales, Balungao, at Asingan.

Di umano’y nakatanggap ng P3,000 ang mga botante mula sa mga lider at taga-suporta ni Gilbert Estrella at ito ay umabot sa opisina ni Primicias-Agabas sa mga nasabing bayan.

--Ads--

Sinabi pa ni Pangasinan 6th district representative na dehado ang mga complainant sa pagkuha ng affidavit dahil sa takot na maaaring makaranas ng pang-aabuso at pananakot.

Samantala, kinumpirma naman ni Comelec Chairman Garcia na ang sulat ni Primicias-Agabas ay naipadala na sa kumakatawan ng Committee on Kontra Bigay upang suriin ang mga kaso ng hinihilang vote-buying, vote-selling, at pang-aabuso sa yaman ng estado.