DAGUPAN CITY- Nakikita ngayon ng ilang mga grupo na mas mababa ang minimum wage na nakukuha ng mga manggagawa kumpara sa kailangang halaga ng isang pamilyang Pilipino sa kanilang pang araw-araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sony Africa, Executive Director, Ibon Foundation, kaya lang naman nagtataas ng sahod sa NCR dahil naroon ang sentro ng kalakaran at atensyon ng bansa.

Aniya, nakalulungkot lamang dahil kung titingnang mabuti ay tumataas rin naman ang mga bilihin sa bawat rehiyon at bumagsak ang rate ng minimun wage.

--Ads--

Kung titingnang mabuti, makikita na tila may bias sa NCR dahil doon lang aniya nakatuon ang ilang mga gawain na nakatuon sa pagtaas ng sahod.

Dagdag niya, susportado rin ng kanilang grupo ang pagkakaroon ng pambansang pagtaas ng minimum wage.

Hanga rin ito sa mga ordinaryong Pilipino na nakararanas ng sobrang tinding pagsubok sa kabuhayan at mataas ng bilihin na mahanapabn ng paraan upang makaraos sa pang araw-araw.