Naisagawa ang isang matagumpay na veterinary mission ang Municipal Agriculture Office (MAO) katuwang ang Pangasinan Governor’s Office sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa ilalim ni Provincial Veterinarian Dr. Arcely G. Robeniol.

Dumagsa ang mga residente simula alas-otso ng umaga, dala ang kanilang mga alagang aso at pusa upang makinabang sa mga libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng pagbabakuna, deworming, paggagamot, pagbibigay ng bitamina, at konsultasyong beterinaryo.

Naghandog din ng mga kaalaman ang mga kawani ukol sa tamang pag-aalaga ng hayop, kasama na ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga alaga upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa komunidad.

--Ads--

Nakapagtala ang mga organizer ng 305 na mga hayop na nabakunahan, na pagmamay-ari ng mga 178 na pet owners

Inaasahan ng MAO at PVO na magpapatuloy ang ganitong uri ng programa sa iba pang barangay upang matiyak ang kalusugan ng mga alagang hayop at kaalaman ng publiko sa tamang pangangalaga.