DAGUPAN CITY – Inanunsyo ni Russian pres.Vladimir Putin ang isang pansamantalang tigil-putukan sa digmaan sa Ukraine.
Ayon sa Kremlin, tatagal ang tigil-putukan mula umaga ng Mayo 8 hanggang Mayo 11 kasabay ng pagdiriwang ng tagumpay upang gunitain ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bilang tugon, nanawagan si Foreign Minister Andrii Sybiha ng Ukraine para sa agarang tigil-putukan na tatagal ng hindi bababa sa 30 araw.
Samantala, sinabi ng White House na nais ni US pres. Donald Trump na sumusubok mamagitan sa dalawang panig na magkaroon ng permanenteng tigil-putukan.
Noong nakaraan, inanunsyo rin ng Kremlin ang isang 30-oras na tigil-putukan sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay.
Bagama’t iniulat ng magkabilang panig na humupa ang labanan, ay kapwa rin nila inakusahan ang isa’t isa ng daan-daang paglabag.
Mahigit 20 beses nang sinubukan ang tigil-putukan sa Ukraine pero lahat ng ito’y nabigo, at ang ilan ay ilang minuto lamang ang itinagal matapos ideklara.
Ang pinakahuling tigil-putukan noong Pasko ng Pagkabuhay ay limitado lamang ang saklaw at nagresulta lamang sa bahagyang pagbaba ng labanan.