Dagupan City – Inihahanda na nga Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang mga volunteers na magsisilbi para sa nalalapit na halalan kung saan aabot sa mahigit pitong libo na mga poll watchers dito sa buong probinsya ng Pangasinan.
Ayon sa naging panayam kay Ma’am Janice Hebron ang siyang regional director ng PPRCV region 1 na puspusan na ang kanilang ginagawang pagsasanay sa mga volunteers upang maipaalam ang kanilang mga responsibilidad sa araw ng halalan at kung ano ang mga dapat nilang gawin at tandaan gayundin ang pagakakroon ng vote assistance desk upang itaguyod ang integridad ng proseso ng eleksyon at hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa pagboto nang may responsibilidad.
Bukod dito ay pinaghahandaan na rin nila ang isasagawang lakad Pangasinan para sa layuning magkaroon ng maayos at mapayapa na halalan. Kung saan mayroong isasaagwa na misa at iba’t ibang mga aktibad kaugnay dito.
Samantala, dagdag pa nito marami na rin silang namomonitor na vote buying na agad din naman nilang ibirereport sa Commission on Election o Comelec para sa agarang aksyon. Kaya naman panawagan nito sa kanilang mga volunteers na magsisilbi para sa halalan ay maging vigilante at alerto ngayon sa vote buying at vote selling ngayong halalan.