Umabot na sa 11 katao ang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan na kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang ospital ito ay matapos bumangga ang isang sasakyan sa isang fiesta ng mga Pilipino sa Vancouver.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Celine Constantino Bombo International News Correspondent sa Canada isang ‘heartbreaking’ na insidente ang nangyari dahil marami ang nasawi.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Canada hinggil sa mga hakbang na maaaring maitutulong sa mga biktima.

--Ads--

Sa ngayon ay limitado pa ang ibinibigay na impormasyon kaugnay sa pangyayari at nakaantabay naman ito sa mga update.

Nagpaalala naman ito sa lahat na iprayoridad ang safety ang security lalo na sa mga malalaking festival dahil hindi natin alam ang mga ganitong hindi inaasahang pangyayari.