DAGUPAN CITY- Ipinapanawagan ngayon ng mga Labor Groups ang dagdag sahod o Living Wage para sa mangagagwang Pilipino, kasabay sa nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond De Vera Palatino, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan, hindi ikalulugi ng pamahalaan ang pagtaas ng sahod dahil magiging win-win situation ito dahil lalakas ang purchasing power ng mga manggagawa, na magpapalakas din sa ekonomiya.

Aniya, dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang legislated wage increase, dahil hindi sapat at hindi makatarungan ang kasalukuyang maliit na umento sa sahod.

--Ads--

Sa kabila ng pagtaas ng produktibidad ng manggagawa, nananatiling hindi sapat ang minimum wage para sa araw-araw na pangangailangan.

Samantala, iba’t ibang labor groups ang magsasagawa rin ng kilos-protesta sa May 1, patungong Malacañang, upang ipanawagan ang karapat-dapat na sahod para sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.

Dagdag pa niya, mas malaking hamon ang underemployment kaysa unemployment, kaya kailangang palakasin ng gobyerno ang mga industriya para makalikha ng mas maraming disenteng trabaho.

Hinikayat rin ng opisyal ang publiko na bumoto sa kandidatong tunay na may malasakit sa manggagawa.