Dagupan City – Napanatili ng Department of Environment and Natural Resources Regional Office I (DENR RI) ang International Organization for Standardization Certification nito matapos ang matagumpay na pagkumpleto ng Environmental Health and Safety Management System (EHSMS) surveillance audit kamakailan.
Pinangunahan ito ni Regional Executive Director Atty. Crizaldy M. Barcelo habang ang audit, naman ay pinamunuan ni United Registrar of Systems Philippines (URSP) Lead External Auditor Michael Salud kung saan ito ay nakatuon sa pagsusuri kung sumusunod ang ahensya sa 2015 version of the ISO 14001 o Environmental Management System standards at 2018 version of the ISO 45001 o ang Occupational Health and Safety standards.
Matapos ang masusing pagsusuri sa mga sistema, dokumentasyon, at mga gawi sa pagpapatupad, inirekomenda ng URSP ang DENR RI para sa patuloy na sertipikasyon sa parehong ISO standards.
Ito ay nagpapatunay sa patuloy na pangako ng ahensya sa pangangalaga ng kapaligiran at sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa nito.
Lubos ang suporta at pakikiisa ng mga tauhan mula sa iba’t ibang dibisyon sa buong proseso ng audit, na nagdulot ng maayos at matagumpay na resulta.