Dagupan City – Bilang bahagi sa kahandaan para sa nalalapit na eleksyon sa buwan ng Mayo, Personal na bumisita si Chief Justice Alexander Gesmundo of the Supreme Court kung saan sumailalim ang Pangasinan PPO sa isang lecture at seminar pagdating sa kasanayan sa imbestigasyon at mga proseso sa paghahain ng mga kaso na may kaugnayan sa mga paglabag sa batas sa eleksyon.
Sa naging pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na ang tunay na layunin ng pag-uusig sa mga paglabag sa eleksyon ay hindi lamang makakuha ng hatol, kundi upang matiyak na makamit ang tunay na hustisya.
Ang seminar ay nagtampok ng mga lektura tungkol sa cyber crime at mga resolusyon ng COMELEC at gayundin ang ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng pagiging tapat at patas sa pagpapatupad ng mga batas sa eleksyon.
Samantala, ayon naman PCol Rollyfer Capaquian ang siya naming Provincial Director ng Pangasinan PPO na tinityak at ipinapangako nito ang mahigpit na pagbabantay sa lalawigan para sa seguridad ng publiko ngayong eleksyon.