DAGUPAN CITY- Kapansin-pansin ang sari-saring emosyon sa mga taong bumibisita sa Rome, Italy upang masilayan ang labi ng yumaong Papa na si Pope Francis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Khalil John Busa, Bombo International News Correspondent in Italy, nakatutukok ang lahat sa paghahatid kay Pope Francis sa huling hantungan.

Aniya, makikita ang mixed emotion sa mga tao roon dahil sa mga biglaang pangyayari.

--Ads--

Isa aniya siya sa mga mapapalad dahil bukod sa nakita niya ang labi ng Papa ay nahawakan na niya ang kamay ng Pope ng ito pa ay nabubuhay noong COVID noong taong 2021.

Surreal o hindi maipaliwanag ang pakiramdam noong mga panahong nahawakan nito ang kaniyang kamay.

Nakaramdam din siya ng kakaibang pakiramdam na tila kilala na niya ang Papa sa loob ng mahabang panahon.

Sa ngayon ay mahigpitang seguridad lalo na at ilang oras na lamang ang aantayin bago ang libing ni Pope Francis.

Mapapansin din na simple lamang ang kabaong nito, alinsunod sa kaniyang hiling na simpleng libing nang ito ay nabubuhay pa.

Samantala, mahigit sa 100,000 na mga nagluluksa ang pumila sa St. Peter’s Basilica upang magbigay galang kay Pope Francis, sa huling mga oras ng pagbisita bago ang kanyang libing.