DAGUPAN CITY- ‎Isinagawa kamakailan ang isang mahalagang konperensya ng mga kawani ng Pulisya ng Dagupan City sa kanilang himpilan sa ABF West, Dagupan City, Pangasinan.

‎Tinalakay ang mga estratehiya upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa panahon ng eleksyon, kabilang ang masusing koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno at iba pang sektor.

Pinagtuunan din ng pansin ang mga hakbang upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan o kaguluhan sa mga presinto at iba pang mga polling areas.

‎Kasama rin sa mga tinalakay ang mga hakbang upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa Bangus Festival 2025, isang taunang kaganapan na inaabangan ng maraming tao.

Tinutukan ang mga plano upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bisita at mga kalahok sa buong selebrasyon, na inaasahang magiging isang malaking pagtitipon.

‎Nagbigay din ng oras ang pulong para sa mga suhestiyon at opinyon mula sa mga miyembro ng kapulisan ukol sa mga tinalakay na isyu.

--Ads--

Sa pagtatapos ng konperensya, naglatag ng mga konkretong hakbang upang mapabuti ang operasyon ng kapulisan at masiguro ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad ng Dagupan City.