Kung ayaw mo pa ring maniwala, baka ito na ang pagkakataon mo para makumbinsi na maasahan nga talaga ang mga aso hindi lang bilang bantay sa bahay kundi, apti na rin sa mga hindi inaasahang pagkakataon na maituturing ding isang imposible.

Paano ba naman kasi, nito lamang Abril 14, 2025, nawala umano ang two-year-old na si Bowden Allen sa kanilang tahanan sa Seligman, Arizona.

Ayon sa ulat, Habang inaayos ng amang kinilalang si Cory ang kanilang bubong, ay inaasikaso naman ng kanyang ina na si Sarah ang sanggol na kapatid ni Bowden.

--Ads--

Pagbabahagi ni Sarah, dahil nga abala silang mag-asawa, hindi nila napansin na nakalabas na pala si Boden sa kanilang bahay. Hanggang sa nakumpirma na lamang niya ito nang tawagin ang anak at hindi na sumagot pa.

Agad namang tumawag ang mag-asawa sa kanilang mga kamag-anak para tumulong sa paghahanap kay Bowden.

Humingi rin sila ng tulong sa Yavapai County Sheriff’s Office, na nagpadala ng mahigit 40 rescuers.

Nagpalipad naman ang Department of Public Safety ng helicopter, na namataang may dalawang mountain lions sa area—bagay na nagpakaba nang husto sa mag-asawa.

Ngunit, makalipas umano ang 16 oras, napag-alamang natagpuan si Bowden ng isang rancher na nakilalang si Scotty Dunton.

Dito naman ibinahagi ni Scotty ang kinuwento kung paano niya nakita ang toddler.

Aniya, si Bowden ay natagpuan mismo ng kaniyang aso na si Buford, isang six-year-old Anatolian Pyrenees.

Kung saan, nagkataon na naglilibot-libot si Buford sa kanyang rancho nung gabing nawala si Bowden, half a mile sa bahay ni Scotty buong magdamag para itaboy ang mga coyote.

Natagpuan umano ang bata sa ilalim ng puno na nasa pastulan ng mga kabayo, at agad naman itong dinala ni Scotty si Bowden sa kanyang bahay at pinainom ng tubig.

Sa kabila nito, nananatiling active pa rin si Bowden, at walang naging trauma mula sa pagkawala nito.

Samantala, sinabi ni Scotty na bukod sa mga papuring natatanggap ni Buford, bumabaha rin daw ng mga regalo para sa aso.