DAGUPAN CITY- Dagsa pa rin ang mga tao sa Vatican para sa public viewing ng labi ni Pope Francis .
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Father Earl Valdez, Priest of Manila, patuloy pa rin ang public viewing sa Vatican kung saan makikita ang sakit at pangungulila ng mga mananampalatayang Katoliko sa pagkawala ng Santo Papa.
Aniya, sa ngayon ay binabantayan pa rin ang sitwasyon sa Vaticsn dahil sa dami ng taong nagdadagsaan sa bawat oras na dumadaan.
Pinaghahandaan na rin ang libing ng Santo Papa ng simbahang Katolika, at hinihikaya’t ang bawat isa na makiisa at manalangin sa isasagawang libing.
Sa pamamalagi ni Pope Francis bilang namumuno ay marami na rin aniyang mga nagawa, at nasaksihan ito ng maraming mga mananampalataya.
Dagdag niya, nasa simbahang Katolika ang pasya kung ano ang mga sususod na pangyayari.