DAGUPAN CITY- Sa isinagawang kapihan sa ilocos, ibinahagi ni John Paul Aquino ang siyang nurse V ng Department of health- Ilocos Center for health Development ang kahalagahan sa pagpapabakuna para maprotektahan ang mga tao laban sa mga sa sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Aniya, ngayong taon ang tema ay ‘Bakuna sa lahat, Kayang kaya.’ kung saan simula sa pagbubuntis pa lamang ng isang ina ay maari na itong bakunahan hanngang sa maisilang at tumanda na ito.
Ang pagbabakuna anya ay para sa lahat ng edad at grupo ng tao at mas mainam na kumonsulta sa isang healthcare provider upang malaman kung ano ang mga bakuna na kailangan at angkop para sa iyong edad, kalusugan, at lifestyle.
Dagdag pa nito na unti-unti na ring bumabalik sa sigla ang mga nagpapabakuna sa buong rehiyon, kung saan sa nakalipas na taon ay umabot sa 75% ang nabakunahan at tuloy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bawat lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor sa rehiyon para sa pagkamit ng kabuuang bilang sa pagpapabakuna.
Bukod pa rito ay mayroon pa silang iba’t ibang programa para sa pagpapanatili ng isang malusog na kumunidad.