“More powerful, more brave and more unfearing.”

Ganyan isinalarawan ni Bradford Adkins – Bombo International News Correspondent sa Amerika ang unang 100 araw ng panunungkulan ni US President Donald Trump matapos ang kaniyang pagbabalik bilang Pangulo ng Estados Unidos.

Aniya na bagama’t naging kontrobersiyal ang kaniyang mga polisiya lalo na ang mga usapin sa immigration at taripa ay marami na agad ang nabago at pinasimulan ng bagong termino ni Trump.

--Ads--

Kung saan higit isang daang executive orders ang kaniyang ipinasa kabilang sa mga ito ang paggamit ng presidential power at pagbibigay ng clemency at pardon — mga desisyong binatikos ng ilan lalo na’t may mga kilalang personalidad na kabilang sa mga napagkalooban nito.

Gayunpaman, hindi naman naging alintana kay Trump ang pagbaba ng kanyang approval rating, hinggil sa kaniyang mga nagawa na naging kontrobersiyal bagkus ang mahalaga aniya ay layunin niyang unahin ang pag-unlad ng bansa, mapanatili ang seguridad, at tiyaking hindi na muling maulit ang mga pagkukulang ng nagdaang administrasyon.

Sa ngayon ani Adkins ay patuloy na pinapatunayan ni Trump ang pangakong ‘To make America great again’.